beep™
anytime, anywhere.
Reminders to Applicants







- Bagong applications lang ang tatanggapin sa Concessionary Card Counter (CCC). Kung nakapag-submit na kayo ng application sa stations at naghihintay na lang ng pagdating ng inyong beep™ card, hindi na kailangang mag-apply muli. Kung may nagagamit pang Senior Citizen o PWD beep™ card, hindi na kailangang mag-apply ng panibagong card.
- On-the-Spot ang issuance ng Concessionary beep™ Card sa
stations pagkatapos ng step-by-step process. Hindi na kailangang maghintay o bumalik ng ibang araw para makuha ang card. Kailangang mag-personal appearance ang aplikante. Hindi maaaring ibilin o ipakisuyo sa proxy o sa ibang tao.
Magdala ng original, valid ID: School ID para sa mga Estudyante, Senior Citizen ID para sa mga Seniors, at PWD ID para sa mga Persons With Disabilities.
Maghanda ng cash na P30.00 pambayad sa Card Issuance Fee.
Ang P30.00 na Card issuance fee ay hindi load. Bago magamit ang card, kailangan munang magpa-load sa station teller o Ticket Vending Machine (TVM) sa stations. Maaari ding gamitin ang beep™ mobile application or beep™ app sa pag-load ng inyong card. Magdownload na ng beep™ app: https://bit.ly/m/beepappPH
First come, first-served ang pagpila sa CCC. Kumuha ng Queue Number bago pumila.
Sa paglagda sa Acknowledgement Receipt, pumapayag kang: (a) kolektahin ang iyong personal information para i-process ang iyong application alinsunod sa Data Privacy Act of 2012 (RA 10173); (b) dadaan ang application mo sa verification process upang makaiwas sa fraud o panlilinlang; (c) sumasang-ayon ka sa mga alituntunin ng paggamit; (d) huwag ipagamit sa iba ang iyong concessionary beep™ card
Ang operational hours ng CCC ay mula 8AM hanggang 5PM (Lunes hanggang to Biyernes). Kada araw, 100 queue numbers ang ipamimigay sa mga aplikante. Ang schedule ng pag-process ng inyong beep™ card ay ayon sa sumusunod na oras:
Batch
Queue Numbers
Estimated Processing Schedule*
1
1, 2, 3, 4, 5 and 6
8:00 to 8:30 a.m.
2
7, 8, 9, 10, 11 and 12
8:30 to 9:00 a.m.
3
13, 14, 15, 16, 17 and 18
9:00 to 9:30 a.m.
4
19, 20, 21, 22, 23 and 24
9:30 to 10:00 a.m.
5
25, 26, 27, 28, 29 and 30
10:00 to 10:30 a.m.
6
31, 32, 33, 34, 35 and 36
10:30 to 11:00 a.m.
7
37, 38, 39, 40, 41 and 42
11:00 to 11:30 a.m.
8
43, 44, 45, 46, 47 and 48
11:30 to 12:00 nn
9
49, 50, 51, 52, 53 and 54
12:00 to 12:30 p.m.
10
55, 56, 57, 58, 59 and 60
12:30 to 1:00 p.m.
11
61, 62, 63, 64, 65 and 66
1:00 to 1:30 p.m.
12
67, 68, 69, 70, 71 and 72
1:30 to 2:00 p.m.
13
73, 74, 75, 76, 77 and 78
2:00 to 2:30 p.m.
14
79, 80, 81, 82, 83 and 84
2:30 to 3:00 p.m.
15
85, 86, 87, 88, 89 and 90
3:00 to 3:30 p.m.
16
91, 92, 93, 94, 95 and 96
3:30 to 4:00 p.m.
17
97, 98, 99 and 100
4:00 to 4:30 p.m.
*Ang schedule na ito ay estimate lamang at naka-depende sa aktwal na bilis ng pag-process ng application sa CCC. Pinapayuhan ang mga aplikante na pumila ayon sa takdang oras upang hindi maabala.






