16 Disyembre 2025 – Sa pagpapatuloy na pag-arangkada ng beep™ Card Caravan sa San Sebastian College-Recoletos sa Maynila, muli nitong pinatunayan na mas abot-kaya na ang pagbiyahe sa LRT 1, LRT 2 at MRT 3 para sa mga estudyante, senior citizens at may kapansanan (PWDs) sa pamamagitan ng personalized concessionary beep™ card na nagtataglay na 50% diskwento sa pamasahe araw-araw.

Sa halip na bumiyahe at pumila pa sa mga istasyon ng MRT at LRT upang makakuha ng beep™ discount card, ilang minuto lamang ang inabot ng proseso sa kanilang paaralan. Ang diskwento sa pamasahe ay isang malaking benepisyo lalung-lalo na sa mga estudyanteng araw-araw na bumibiyahe at nagsisikap na pagkasyahin ang kanilang limitadong allowance.

Si Jillian, isang estudyanteng ng San Sebastian, ay nagbahagi ng kanyang karanasan: “Yung process sa pagkuha ng beep card ay super bilis. Sa 50% discount sa pamasahe, malaking tulong sa students lalo na po at walang masyadong source of income ang mga students.”
Para naman kay Rhian, isang senior high school student, malinaw ang benepisyo ng programa: “Mabilis lang yung pagkuha ng beep™ card… super helpful sa seniors and students kasi may discount sila sa LRT.”

Ipinapakita ng mga karanasang gaya ng kay Jillian at Rhian na sa pamamagitan ng caravan, nailalapit sa publiko at nagdudulot ng agarang epekto sa araw-araw na buhay ng mga mag-aaral. Sa bawat minutong natitipid sa pila at bawat pisong nababawas sa pamasahe, mas nagiging magaan ang pagpasok sa klase habang mas lalong nababawasan ang pang-araw araw na gastusin.

Patuloy na isinusulong ng beep™ Card Caravan, sa pakikipagtulungan ng DOTr at AFPI, ang isang mas accessible, inclusive, at commuter-friendly na karanasan sa pagbibiyahe sa tren para sa mga estudyante, senior citizens, at iba pang concessionary patrons.
Maaari pa ring kumuha ng personalized (white) concessionary beep™ card sa mga piling istasyon ng LRT at MRT. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Concessionary Card Issuance Program (CCIP), maaaring sumangguni sa beep™ website:
htps://beep.com.ph/concessionary/
Abangan ang mga susunod pang beep™ Card Caravan at makiisa sa mas mabilis at mas tipid na biyahe.






