
May mga bagong Stored Value Updater (SVU) device na magagamit ng gustong mag-fetch ng kanilang beep™ card load sa mga piling istasyon ng LRT 1, LRT 2 at MRT 3 simula Lunes, ika-6 ng Abril.
Ang mga SVU device na ito ay nagsisilbing alternatibo para sa beep™ cardholders na walang NFC-enabled na smartphone upang makuha (fetch) ang kanilang load o masuri ang natitirang balanse.
Gayunpaman, pinapayuhan pa rin ang mga cardholder na mag-load o alamin ang natitirang balanse ng kanilang mga card sa Ticket Vending Machines (TVM) sa mga istasyon o sa Point of Sale (POS) terminals ng mga teller.
Para sa detalyadong gabay kung paano makuha ang biniling load o masuri ang natitirang balance sa card, tingnan ang sumusunod na litrato:

Matatagpuan ang mga SVU device sa mga sumusunod na istasyon:
LRT 1 – Fernando Poe Jr., Doroteo Jose (Southbound), Central Terminal, EDSA (Northbound), Dr. Santos

LRT 2 – Recto, Legarda, Araneta Center-Cubao, Marikina-Pasig, Antipolo

MRT 3 – North Avenue (Southbound), Araneta Center-Cubao, Shaw Boulevard (Building A), Ayala, Taft Avenue

Para sa mga pasaherong malapit nang mag-expire ang beep™ card, maaaring magtungo sa station counters upang makapag-apply ng kapalit na beep™ card.
Para sa ilan pang katanungan at karagdagang impormasyon, makikita ang aming FAQs dito:
Maaari ring sumangguni sa aming Customer Service mula alas-5:00 nang umaga hanggang alas-11:00 nang gabi araw-araw.
Landline: (02) 8737-9600 | (02) 8737-9622
Viber: +63 917 512 1319 | +63 998 581 9675
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta!






