11 Disyembre 2025 – Hatid ng beep™ Card Caravan nang bumisita ito sa Lyceum of the Philippines University (LPU) sa Maynila ang mas magaang paglalakbay bunga ng diskwento sa pamasahe sa tren para sa mga concessionary applicants, gaya ng estudyante, may kapansanan (PWDs) at mga senior citizens na sakop ng LPU community. Sa pakikipagtulungan ng Department of Transportation (DOTr), AF Payments Inc. (AFPI), at ng pamunuan ng LPU, daan-daang estudyante, senior citizens at PWDs ang nabigyan ng pagkakataong makakuha ng kanilang concessionary beep™ cards on-the-spot na may kaukulang 50% na diskwento sa pamasahe sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.

Idinaos ang caravan sa F&B Room ng LPU main campus sa Intramuros, kung saan nagpatala at nakuha agad ng mga aplikante, na karamihan ay mga mag-aaral ng LPU ang kanilang concessionary (white) beep™ card sa loob lamang ng limang minuto. Mula verification hanggang release ng cards, kinagiliwan ng mga nakatanggap ng kanilang personalized beep™ card ang agarang serbisyo sa kanila mismong lugar.

Isa sa mga unang nakakuha ng kanyang concessionary beep™ card ay si Mr. Cunanan, assessor mula sa Food and Beverage Institute na tumungo sa LPU upang mapatala. Nagpahiwatig siya ng kanyang tuwa sa malaking benepisyong hatid ng programang ito para sa mga nakatatandang madalas sumakay ng tren, aniya: “Excellent, you are doing good job for this. This is the first time I got a beep card. Wala akong masabi sa 50 percent discount. Maganda. Yung 50 percent (discount) malaking bagay sa aming mga senior citizens—talagang nakakatipid kami.”

Nagbahagi rin ng kanilang karanasan ang mga estudyante ng LPU na kumukuha ng BS International Tourism Management. Sila ang mga araw-araw na gumagamit ng pampublikong sasakyan araw-araw. Ayon sa isa sa kanila:
“Mabilis and convenient yung process. Malaking tulong po siya for students like me na nagko-commute since mas makakamenos ako sa gastos every day.”
Isa pang Tourism student ang nagkuwento kung gaano ka-smooth ang proseso na kayang natunghayan: “Super dali lang… I arrived around 8AM, then natapos agad ako. As a student, kailangan ma-stretch yung budget namin. Sobrang helpful ng beep™ card na may 50 percent off—convenient din for us to take the LRT.”

Sa kabuuan, naging makabuluhang araw ito para sa LPU community bunsod ng beep™ card caravan. Hindi lamang ito simpleng card issuance. Isa itong mahalagang oportunidad para sa mga mag-aaral, senior citizens at mga PWDs na makabawas sa pang-araw-araw nilang gastusin, habang mas pinapadali ang kanilang paglalakbay.
Patuloy ang pag-ikot ng caravan sa iba’t ibang paaralan at mga institusyon upang maihatid ang mas ligtas, mas mabilis, at mas abot-kayang commuting experience para sa bawat Pilipino sa pamamagitan ng beep™ card.
Saan ang susunod na campus na bibisitahin ng beep™ Card Caravan?
Abangan—dahil maaaring malapit na sa inyong lugar ang mga susunod pang caravan activities sa lalong madaling panahon.






