Biyernes, ika-28 ng Nobyembre 2025 – Naging matagumpay ang ginanap na beep™ Card Caravan ang ginanap ngayong araw sa St. Scholastica’s College Manila mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, sa pakikipagtulungan ng Department of Transportation (DOTr) at AF Payments Inc. (AFPI). Layunin ng beep™ card caravan mabigyan ang mga kuwalipikadong estudyante, senior citizens, at mga may kapansanan (PWDs) ng kanilang concessionary (white) beep™ cards, na nagbibigay ng fifty percent (50%) discount sa pamasahe pag sumakay sa LRT-1, LRT-2, o MRT-3, upang mas makatipid sa pang-araw araw na biyahe.

Maraming estudyante ang agad nagtungo sa concessionary card caravan counter sa Social Hall upang masaksihan at mabilis at maayos na proseso ng pagkuha ng beep™ card. Ayon sa isang estudyante:
“I recently got beep card and got it from St. Scholastica, and it was so easy and simple. I just have to get my information… in the computer. The 50% discount at LRT1, LRT2 and MRT3 will definitely help me, so I don’t have to spend a lot to travel to and from school.”

Nagbahagi rin ng kanyang karanasan ang isa pang Marketing student sa St. Scholastica’s College:
“For the processing, maluwag siya and kaunti pa lang… easy lang pala… then ID lang pala ang kailangan para i-process ang application… I got my beep™ card in less than 3 minutes which is easy and convenient for a student like me. Sa 50% discount — malaking help siya kasi I don’t need to go sa stations and get the full price. Dito mas convenient… very happy ako.”

Hindi rin nagpahuli ang St. Scholastica’s College Student Council sa pagbigay ng kanilang pananaw tungkol sa benepisyong naihatid ng beep™ card caravan. Ayon kay Ms. Ginger Karganilla, ang kanilang Executive Vice President:
“It was a blessing and a big opportunity to have collaborated with DOTr and the team of beep™… It’s a helpful and meaningful initiative to contribute to our community. The resources and accessibility given to us made everything easy. Personally, I do not commute since I live nearby our school… but knowing that the beep™ card has its benefits, this would be a great opportunity for me to explore and use our transportation facilities going to places I have yet to visit.”

Patuloy namang pinalalawak ng beep™ Card Caravan ang misyon nitong gawing mas inclusive, accessible, at convenient ang commuting experience ng mga Pilipino. Layunin nitong makipag-ugnayan nang direkta sa mga paaralan, komunidad, iba’t-ibang asosasyon, komunidad at mga institusyon upang makapagdulot
ng concessionary benefits sa mga taong higit na nangangailangan. Bahagi rin nito ang pagsuporta sa patuloy na on-the-spot concessionary card issuance sa lahat ng train stations ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 tuwing araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, at tuwing Sabado at Linggo mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa Concessionary Card Issuance Program (CCIP), katulad ng mga kakailanganing dokumento sa pag-aapply, sumangguni sa: www.beep.com.ph/concessionary.






